Friday, April 5, 2013

Si Lola Natalia sa Bahay ni Maria

Bago ang lahat gusto kong magpasalamat sa lahat na naging bahagi ng 2nd outreach ng PBO na ginanap sa Bahay ni Maria, Calamba, Laguna noong nakaraang Sabado. Sa mga cash donors, mga volunteers, officers and members, maraming maraming salamat. Kung wala kayo alam kong hindi possible ang gawaing ito.



Ang totoo wala na kong makukwento pa dahil naikwento na ng mga kasama kong bloggers ang mga naganap nung araw na yun sa Bahay ni Maria. Heto ang mga kwento nila:

Pinoy Bloggers Outreach, Bahay ni Maria, Couples/Youth for Christs atbp by Bino of Damuhan
PBO shares love to the grannies at Bahay ni Maria by Marge of Coffeehan
A Heart Bigger than a Home: Bahay ni Maria by Kulapitot
PBO Outreach Program: Bahay ni Maria by Sunny Toast
PBO 2nd outreach: Bahay ni Maria by Kol me eMPi
Si Lola Binay sa Bahay ni Maria by Nutty of Nutt Cracker Presents
Laruan! PBO's 2nd Outreach by Mar of Unplog
2nd PBO kick-off by Rixophrenic
Bahay ni Maria by Glentot of Wickedmouth

So bye bye na nag-thank you lang talaga ako charot! Syempre may kwento din naman ako, naks parang totoo.

Ako ata ang pinakahuling dumating sa mga volunteers, galing pa kasi ako sa bahay namen sa Batangas kaya hindi ako nakasabay sa kanila. Akala ko nga late na ko pero pagdating ko may nauna pa palang event. Hindi ko na ikkwento kung ano yun. Nakwento na rin ng ibang bloggers at ayoko na alalahanin naiinis lang ako ng slight.



Anyways gusto ko lang ikwento ang tungkol sa isang lola na nakakwentuhan ko ng matagal, sya si lola Natalia. Kinuwento nya saken kung paano sya gumaling sa pagka-bed ridden. Sabi nya nagkasakit daw sya noon na halos hindi na sya makabangon, hindi na nya maigalaw ang buong katawan nya. Pero sinabi daw nia sa nanay nya noon na pahiran ng gas yung tuhod nya. Ilang linggo lang daw lumakas na sya. Noong narinig ko yun, I was like "talaga lola?!". Hindi ko talaga alam kung maniniwala ako. Then I asked her, "paano nyo po nalaman yung tungkol dun?". Sabi nya nadiskubre lang daw nya sa sarili nya. Until now I have yet to discover if that was true. Ano sa tingin nyo? (tamad mag-google).

lola Natalia and me


Ganun lang daw kasi ang ginawa nya, ang pahiran ng gas ang tuhod nya, hanggang sa makatayo na sya ulet at kahit pano ay makalakad. Sabi nya kaya pa naman nya maglakad pero may suporta.
"Humihingi nga ako ng gas kay sister kasi sumasakit yung tuhod ko minsan kaya lang ayaw nya ko bigyan".
"Bakit daw po ayaw kayo bigyan?"
"Hindi daw pwede baka daw kasi masunog kami dito." May point naman si sister.
"Haha ganun po ba? Ok lang yan lola lakad lakad ka lang ng madalas pag nagtagal magiging maayos din pakiramdam ng tuhod mo". Yun na lang nasabi ko. Tumango naman si lola hehe. Napansin ko na dumaan sa harap namen si sister sabi ni lola, "andyan pala si sister hindi mo sinabi hehe".
"Ok lang yan lola hindi naman nya narinig eh hehe".

Lola Natalia reminds me of my own lola. May katarata kasi ang kanang mata ni lola Talia. Pareho sila ng lola ko. Mula kasi ng magkaisip ako bulag na ang mga mata ng lola ko. Sabi ng mom ko katarata daw yun. Hindi nila napagamot agad noon kasi kapos sa pinansyal. Noong may sapat ng pera para mapagamot sya hindi na rin kaya pang magamot. Hopeless case na daw yung sa lola ko. Nalungkot ako kasi ramdam ko na gusto pa nya makakita. By the way namatay ang maternal grandma ko at the age of 82.

Balik tayo kay lola Talia. Nakakaaninag pa naman daw ang mata nya. Nililinis lang daw nya palagi para kahit pano ay makaaninag pa. Marami pa kaming mga simpleng bagay na napagkwentuhan. Marami rin sana akong gustong itanong sa kanya kaya lang hindi ko alam kung dapat ko bang itanong yung mga yun.

"Gusto ko sana kuhanin na ko ng pamilya ko dito". Bigla ako nalungkot. Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa kay lola Talia dahil sa sinabi nia. Ilang sandali din akong natigilan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Minabuti ko na lang na wag magtanong pa tungkol sa pamilya nya ayoko ng dagdagan ang bigat na nararamdaman nya. Hanggang sa niyakap ko na lang si lola at sinabi ko "wag ka na malungkot lola, kaya kami nandito ngayon para kahit pano mapasaya kayo". Tumango na lang sya na bakas pa rin sa muka ang lungkot.

Siguro nga kahit papano napapasaya sila ng mga katulad naten na dumadalaw sa kanila. Pero at the end of the day maghahanap at maghahanap pa rin sila ng pamilya. Sa ganitong mga sitwasyon matatanong mo na lang sa sarili mo bakit kaya sila iniwan ng mga pamilya nila. Sigurado naman ako na may mga dahilan pero kahit ano pa man ang mga dahilan na yan hindi pa rin tama na abandunahin sila ng tuluyan at kalimutan.


with lola Natalia and the other lolas
Wala na akong grandparents ngayon. Kasama na sila lahat ni Lord. Ang huling grandparent na nakasama ko ay ang maternal grandma ko. Namimiss ko na ang paghiga sa lap nya habang sinusuklay nya ang buhok ko. Namimiss ko na ang pagkanta nya sa tuwing magrerequest ako ng kanta. Namimiss ko nang makita ang mga ngiti nya sa tuwing bibigyan ko sya ng regalo tapos hahalikan nya ako at magpapasalamat. Sobrang miss ko na si lola ko at habang tinatype ko to hindi ko mapigilang hindi maluha. Kung gano ako natutuwa sa mga babies ganun din ako natutuwa sa mga lola kasi naalala ko ang lola ko na kahit kelan hindi ko na makakasama.

Bago kami umalis sa Bahay ni Maria niyakap ko ng mahigpit si lola Natalia.



*Thanks kuya Mar and sis Marge for the photos I used.

25 comments:

  1. ay nakoh jowk. actually sinabi ko na ito don sa ibang nagpost na i am so happy and proud sa inyong lahat na naging successful ang project ng pbo, whats wort of all talaga sa pagbisita eh yong leksyon, realizations and wisdom na nakuha ninyo sa mga lola and forever ul keep it in ur heart (parang kanta lang ata un ah? lol)

    congrats ulit sa inyo at sana marami pang susunod, isama nio na ako pls lang hahahaa

    sa culture natin hindi talaga to tanggap kaso may mga anak lang talaga na ayaw ng responsibiladad at ang masabi ko lang, ano ang ginawa nila sa magulang nila at babalik din sa kanila. ganyan. *may poot*

    ReplyDelete
  2. Lagi akong nalulungkot tuwing nababasa ko yung mga posts nyo about sa experience nyo sa Bahay ni Maria. Diba dapat maging masaya kasi napaligaya nyo ang ating mga Lola dun kahit pansamantala lang. Pero kabaligtaran ang nangyayari eh. Laging may kurot sa puso ang mga kwento at mga larawan niyo.

    Gujab PBO! Saludo akong lahat sa inyo and congratumaleyshun again :))

    @Lola Talia, dati naman nung bata pa ako ginagamit ng kapitbahay namin yung gas as pang gamot sa sugat. lols

    ReplyDelete
  3. ahaha pagtapos mag plug ng mga blog na paalam :D

    ReplyDelete
  4. you nailed it ate arline when you said "Siguro nga kahit papano napapasaya sila ng mga katulad naten na dumadalaw sa kanila. Pero at the end of the day maghahanap at maghahanap pa rin sila ng pamilya".

    nice meeting you ate!!!!

    ReplyDelete
  5. Nakatouch din ang kuwentomo. Reminds ne of my father who was blind. Cataract din daw. Nong can afford na paoperahan, late din.
    Dito, normal lang nakatira sa nursing home mga matatanda na di kaya magisa sa bahay, since puro ng work ang mga anak at wala naman househelp dito para magalaga sa kanila. At ok naman sila. Naalagaan pa. Pero they miss nga na bisitahin ng family nila.
    Pag tanda ko dito, ayaw kong maging pabigat sa mga anak ko, so I will be happy na tumira sa nursing home.

    ReplyDelete
  6. Oh my... Pinaka-fave ko 'yung last sentence:

    "Bago kami umalis sa Bahay ni Maria niyakap ko ng mahigpit si lola Natalia."

    Kasi it was followed by your spiels on how much you miss your maternal lola... So sa outreach pala natin, hindi lang sila ang natulungan kundi ikaw rin... We're able to remind you of your own lola... Just saying...

    Nakakatuwa naman at more more plug ka talaga ng iba pang mga posts...

    ReplyDelete
  7. lola's child ka rin pala. hindi man ako naging good boy kay lola, ako lang naman umiyak ng bigtime sa kangyang premiere day, coronation day at grand parade. hindi ko talaga magets, pano nakuha ng iba ng hindi lumuha, samantalang ako todo luha na parang wala ng bukas? weird..

    ReplyDelete
  8. true, nakakaawa sila at maganda yang goal nyo na mabigyan sila ng saya kahit papano naiiba ang routine ng bhuhay nila araw araw

    at yun sa gas, kakaloka yun,hehe

    ReplyDelete
  9. Gas! gas ang sagot sa lahat ng sakit hehe - yan ata ang motto ni Lola Natalia :)

    Lolas are love..I'm sure your lola misses you too Arline. It's great that we got to spend time with the lolas in BNM, we were reminded of our own lolas :)

    ReplyDelete
  10. kahit marami na akong nakitang post about PBO... thanks pa rin sa pag share... iba pa rin ang version mo hehehe

    Congrats sa PBO....

    Hugs ^^

    ReplyDelete
  11. ahh baka ung gas na nilalagyan ng herbs, pang rayuma ata yun, meon nun ung lola ko ee
    ang alam meron talagang herbal thingy na ganun ewan ko lang kung gaas talaga ung gamit
    nakalimutan ko na ung nabasa ko ee haha

    ReplyDelete
  12. Lolas or let's say grand parents has always been a big part of our lives as we grow up. NAmimiss ko na mga LOla ko. I have this Lola who always cries when she see her grand children o apo pa sa tuhod. It's funny yet I know why she cries. She felt sad and happy. Alam ko di pa yun second childhood thing. Pero when at the age that you're really old na talaga, seeing the younger people who are part of your family will make you sad or cry perhaps noy because you're sad or what. But because you are happy na until now nakikita niya pa kayo.

    ReplyDelete
  13. sayang talaga at ndi natikman ng mga lolas ang cupcake mo

    ReplyDelete
  14. Maraming nagsasabi na takot silang tumanda, dahil sa mga panahon na ito ay natatakot silang mag-isa. Na walang mag-aalaga. Ang iba ay naiiwan o iniiwan na lamang sa ilang mga institusyon upang alagaan. Ngunit lingid sa tunay na realidad ay ang katotohanan na nangangailangan talaga ng lubusan na pagalala at pagaalaga ang mga matatanda lalo na sa mga tunay na kamag-anak nila. Isang malaking tagumpay ang nagawa ng PBO sa pagbibigay kahit sa simpleng paraan ng pagmamahal sa mga matatanda, upang iparamdam na hindi sila nagiisa. :))

    ReplyDelete
  15. baka naman bet ni lola Nat na mag fire dance kaya mega ask sya ng gaas?
    lols

    ReplyDelete
  16. nalungkot naman ako nung sinabi ni lola na sana kunin na sya ng pamilya nya doon. May pamilya pala sya asan na sila?
    Hindi ko maisip ilagay ang nanay ko sa ganyan... malungkot... iba pag nasa piling ng pamilya.
    Buti na lang anjan kayo at napasaya nyo sila.

    ReplyDelete
  17. Backdrop mo talaga sila Lola ah! LOL. Hmm about dun sa gas na may healing properties? Gusto kong subukan sa sore throat ganyan...

    ReplyDelete
  18. Isa talaga sa greatest mysteries in life for me ang kaso ng mga lola sa Bahay ni Maria. Di ko talaga maintindihan kung paano sila nagawang iwan ng mga mahal nila sa buhay. Close ka din pala sa lola mo, no wonder grabe ang bonding ninyo ni Lola Talia. Pansin ko nga na ang tagal nyong nag-usap.

    ReplyDelete
  19. may softspot din ako sa mga lola bilang mahal na mahal ko ang lola ko at alagang alaga ko siya pg sinasamahan ko sa check up. hehehe

    ano nga kayang meron sa magic "gas" na yun? :)

    ReplyDelete
  20. emegash..naiiyak ako kay lola natalie...:( im very attached to my grandma...she passed away na...naaawa ako sa kanila...growing up alone is the hardest i think...:O



    xx!

    ReplyDelete
  21. mission accomplished! hehe sorry naman late comer na, sabi nga better late than never diba?

    Anyway, na-appreciate ko ang paglagay mo ng mga links ng mga idolong blogerong nagpost about BNM outreach experience. Thanks sis!

    Tama ang sinabi mo kay Lola, pwede kana mag PT sis hehehe. Agree ako na paunti-unti ay bumangon sya't maglakad lakad, yun nalang ang exercise nila e. Pero kung dina talaga kaya since matagal na rin sigurong nakaupo lang, mahihirapan talaga sya.

    Ako naman ay isa rin ang naabutan na grandparent, yung ama ng ina ko hehe 96 years old na sya ngayon, wag ka lumalablayp pa yan! haha Peace lolo sana dika magbloghop lol.

    ReplyDelete
  22. mejo naluluha din ako nagbabasa ng kwento version mo about BnM, sis. kasi namn roomate kami ni lola for two years dito sa bahay ng tita ko dito sa dumaguete. tapos na deport sya don sa bahay namin don sa mindanao kasi nga lampas 80 na dw sya. she has to be in her hometown daw sabi ng tita ko. basta mahabang kwento. tapos first apo pa ako. sinasabi ng lola ko na bakit dw feeling nya neglected sya kahit nandito naman kami. i couldnt imagine ano na fi-feel ni lola natalie gayong wala talaga syang family wth her. nakakatakot talagang tumanda noh lalo na pag walang karamay na pamilya.

    ReplyDelete
  23. Natouch naman ako... Kasi malapit talaga ako sa mga lolos and lolas, kaya malapit ako sa mga patients kong matatanda, and mas napapalapit ako pag alam kong iniwan na talaga sila ng pamilya nila... Nakakalungkot naman talaga isipin na tatanda ka nang wala yung mga nakasama mo sa pagtanda...

    Pero kahit papano, buti nalang may mga ibang taong nakakaalala, tulad ninyo... Kaya I'm proud of your outreach...

    Pero... winner talaga yung gas. At si sister na naconscious tuloy si Lola hehehe.

    -Steph
    http://traveliztera.com

    ReplyDelete
  24. Thank you po sa lahat ng nasa itaas for reading and commenting. Sana kahit paano na-touch ni lola Natalia ang mga puso nio just like how she had touched mine.

    ReplyDelete
  25. I'm not closed with my lola and lolo's and reading your own story with this experience I feel guilty. I know its too late now..they are all gone but they are always in my prayer.

    It took me days before I was able to write the experience..The visit was hard emotionally and mentally.

    Thank you PBO for the experience...see you next outreach...Pink Line

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...