Monday, March 4, 2013

Reunited with Fireworks and Bowling

Puputulin ko muna ang Siargao Adventure post ko. Isisingit ko lang ang ganap sa aking Saturday.

Reunited

Finally ay nagkita na ulet kami ng long lost kabarkada namen na bigla na lang nawala sa sirkulasyon. Almost 4 years hindi nagparamdam. Recently lang bigla syang sumulpot sa FB at ayun super daming kwentuhan through chat at napagkasunduan na magkita kita. Pero hindi magkatagpo ang mga schedules namen. Until nag-aya akong manood ng Pyromusical Competition sa MOA. 

Me: (through SMS) Guys nood tayo Pyromusical Competition sa MOA sa Saturday
Barkada: Umaga ba yun?
Me: Ahmmm fireworks yun eh so malamang umaga sya. 
Barkada: May pasok ako sa umaga eh
Me: O sige sa gabi na lang. Yung fireworks na maga-adjust para sayo.
Barkada: Okay, go na ko

Pasensya na ganyan lang po talaga kami mag-usap. Normal po samen yan. Though hindi lahat makakapunta itinuloy na rin namen ang meet up. James hasnt change a bit, well except the beer belly. Mas lumaki ang tyan nya. Pero sya pa rin yung barkada namen na mahilig sa sabaw. Kanin at sabaw lang solve na sya. Sobrang pagkamiss, pagkakita ko sa kanya nagpa-Dawn Zulueta ako charot! I just hugged him so tight. He has his own family na rin.

Richelle, long lost James and Me ;)

Fireworks

United Kingdom and South Korea were the competing countries who performed last Saturday for the 4th Philippine International Pyromusical Competion.

We bought our tickets on Metrodeal. Originally 300 pesos yung price ng Gold pero discounted ng 40% kaya 180 pesos na lang. Pero ang masaklap pagdating namen dun, buy 1 take 1 ang Gold tickets and worst may nagbebenta pa samen ng 50 pesos na lang nung malapit na magstart ang show. Kainis lang diba? Ayoko na ngang isipin besides nagenjoy naman ako sa fireworks eh.

Unang nagperform ang United Kingdom. Syempre amazed na naman ako. Mas nagustuhan ko ang pinakita ng UK kesa South Korea. Mas unique ang mga fireworks and upbeat yung music na ginamit. Opening song was Skyfall by Adele, followed by One Direction's Live While we're Young. Im thrilled when the song Diamond by Rihanna played, synchronized with the fireworks.

Medyo mabagal ang music na ginamit ng South Korea though mas synchronized compared to UK. Korean songs ang ginamit except for Frank Sinatra's Fly Me to the Moon, that somehow made the moment so romantic. Syempre hindi nawala ang Gangnam Style. Na-boring lang ako ng slight sa performance nila at parang tinipid. Plus yung mga ginamit nilang fireworks ay common na. In short walang kakaiba.

Well, I super love fireworks. Nakanganga ata ako habang nakatingala at pinapanood sila. So malamang manood ulet ako sa mga susunod pang Sabado.

(Nakalimutan ko ang digicam kaya walang photos ng fireworks.)


Bowling

Mga 9pm na natapos ang fireworks. Kumain kami then nagkayayaan mag-bowling since maaga pa naman. Another first time and another check on my bucketlist yey!



First time ko pero would you believe na unang tira ko strike?! Pati ako nagulat at sa sobrang tuwa ko eh nagpatalon talon pa ko na parang bata haha! May hang-over pa ko ng fireworks at parang wala lang na binitawan ko yung bola pero naka-strike ako. Wohooo! Standing ovation habang nagka-clap-your-hands ang lahat ng tao sa bowling centre ng MOA, syempre charot lang. Yung mga barkada ko lang ang pumalakpak.

Strike!



Super fun ang bowling kahit medyo masakit sa hinlalaki na kailangan ipasok sa loob ng bola para mahawakan ng maayos. Nakakaaliw na sports at great bonding with barkada. Uulit ulitin ko syempre. 


36 comments:

  1. masaya ako para sayo.. super important pa rin na once in a while magkaroon ng reunion with friends.. lalo na yung mga matagal mo ng di nakasama..

    ReplyDelete
  2. mahilig ka pala sa fireworks, o sige bibilhan kita...bwahahaha...

    masaya talaga ang mga reunited moments noh... happy as in! saan kayo kumain?

    ReplyDelete
    Replies
    1. yey! sabi mo yan ah bibilhan mo ko..

      sa food court.. sobrang haba ng pila sa mga resto ang fast food eh tom jones na kami...

      Delete
  3. sa pagkakayakap mo mukhang namiss mo nga ng todotodo :)

    ReplyDelete
  4. Ikaw na nakastrike. Namiss ko na yang pyromusical nayan.

    Ang saya talaga kapag nakita mo yung mga dati mong friends na matagal mong hindi nakita. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. namiss ka rin daw ng pyro kaya paguwi mo sasalubungin ka nila hehe..miss you friend ;)

      Delete
  5. At masmasaya yung makikipag kwentuhan tayo sa kanila kamahalan diba :) Catch up yung pinaka da best.

    ...
    Talagang may "long lost" sa name ni James. haha!

    Umiistrike si Anne Curtis! Sinong nanalo pag dating sa huli? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek! catching up is the best ;)

      3rd lang ako eh hehe.. di ko kaya yung 2 kasi sumasali sa competition..first timer ako eh..

      Delete
  6. Sarap ng closeness nyo! 4 years talaga, bat antagal James? char. Friends are treasures talaga kaya ako pag umuuwi mega catch up ako from highschool friends at kahit diko ka-close yung iba go, up to my bestfriends. Sulit grabe ang saya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. masaya talga big sis! im sure kapag umuwi ka at you'll have a blast with your friends including me haha assuming ako :)

      Delete
  7. so ito pala ang ni-tweet mo about sa magulong usapan about sa fireworks ahaha. minsan masarap sakyan ang ganyang saltik :).

    at im sure di mawawala ang asaran habang naaalala nyo ang panahon noong magkakasama pa kayo sa school at wala pang kanya kanyang career... hay bigla ko na miss ang mga pasaway kong barkada...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang saya mag reminisce lalo na ng mga kalokohan haha!

      Delete
    2. Tama yung tipong ikaw na mismo ang gustong lumubog sa kinauupuan mo sa hiya kapag kalokohan mo na ang pag uusapan ahahaha.

      Delete
  8. Nakakatuwa naman na after mag MIA ng 4 years ng friend mo nagpakita siya ulit sa inyo. I have yet to try bowling pero nakalaro na ko ng duck pin. Mas maliit lang ang bola pero same sport naman. Congrats at sa first bowl mo naka-strike agad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang now ko lang narinig yung duck pin..at ano ibig sabihin ng MIA? hehehe...

      yeah.. thanks sis.. galing lang tsumamba ;)

      Delete
  9. Kainggit sana magkita kita na rin kami ng mga long lost friends ko. At sana makapunta din ako ng pyrolympics. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. go sis three weeks pa ata yung pyro makakapanood ka pa at isama na ang mga long lost friends ;)

      Delete
  10. Mabuti naman at nag-adjust yung fireworks show para kay friend. lols\\

    ReplyDelete
    Replies
    1. naman.. malakas sya dun sa fireworks eh lols

      Delete
  11. Makes me wonder kung meron din ba akong long lost friends.









    ....still wondering.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natawa ako dito Lili.

      Syempre meron yan! Naunsa ka man uy! :D

      Delete
  12. Looking forward na maka pag reunite din ako sa friends ko.
    I miss them so mats.. kaya yun ang isa sa list ko when i go home.
    Sana makapa nood din ako ng Pyro musical before it ends. Gusto ko yung Philippines at Canada..last yun eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nood ka na.. panonoorin ko rin yang Philippines at Canada eh hehe.. ako na adik sa fireworks ;)

      Delete
  13. Nice events. Kita ko pictures of fireworks from another blogger at nakakahanga tingnan.
    Anyway, I am glad you had fun:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks mama Joy.. sayang nga wala akong pic ng fireworks but I enjoyed watching naman :)

      Delete
  14. Matagal na akong hindi nakapag bowling, sa manila ko na eperience kasi wala dito sa probinsiya hehehe.
    And saya ng ganyan no, yung matagl kayong hindi nagkita pero kapag nagkita kayo para kailan lang we can cope pa din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama.. yung tipong pag nagkita parang hindi naman nawala dahil walang pagbabago sa friendship...

      Delete
  15. Inaabangan ko ang picture ng Fireworks? Nasan?

    Natatawa ako. May fireworks ba sa umaga? LOL

    I missed my highschool dabarkads! Kailangan makauwi ako sa amin para sa reunion! Grrrr

    ReplyDelete
    Replies
    1. i forgot nga my digicam eh panget naman pag phone ginamit ko hehe..next time na lang yung pic..

      buti na lang hindi sya pwede sa umaga..kaya yung fireworks mismo nag-adjust lol..

      go na sa reunion..masaya, super!

      Delete
  16. nakakatuwa naman at muli kayong nagkasama :)

    hihi. may fireworks sa umaga.

    aww namiss ko ang mga friendships ko noon.

    ReplyDelete
  17. Huwaw, ang saya naman ng mini reunion nyo. Natawa ako dun sa chat convo nyo sa taas haha.

    Pyromusical, never ko pa siyang nata-try panoorin. Hanggang tv or youtube lng lagi ako nanunood.

    Bowling, never ko pa din siyang na-try. Pero nakapasok na ako sa isang bowling alley sa Marikina para maglaro ng video game arcade lol :D

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...