Sunday, September 30, 2012

mahal...ang...bacon part 2

Nandito ang simula => part 1

"Sunduin ko kayo dito mamayang 6pm."

Hindi sya sumama sa rafting, may mga kailangan daw syang gawin. 5:30pm nakabalik na kami sa office ng rafting company kung saan nya kami iniwan kanina.

Parang alambre na ang buhok ko. Halos natuyo na rin ng hangin ang suot kong damit. Im five shades darker! Haggardo versoza, for short.

Wala pa si Mikko, pero ayos lang kasi we still have to wait pa rin naman for the soft copy of our pictures and videos ng rafting.

"Andyan na si Mikko." sabi ni Albert. Sabay tingin ko rin naman sa labas ng office para sulyapan lang sana sya. Pero napa-second look ako.

Baket kaya parang nag-slow motion sya sa paglalakad papalapit saken samen. Black shirt, pants, rubber shoes. Ang bango bango nya sa paningin ko. Nakapasok na sya sa office, nakatingin pa rin ako. Buti na lang medyo nahaharangan ako ni Liza kaya hindi halata na nakatingin na ko ng matagal sa kanya.

Ang kanina lang na haggard na lalake na na-meet ko sa airport ngaun...

"Gurl fresh na sya, tayo naman ang haggard" napansin din pala ni Liza. "Oo nga" sabay na-conscious ako sa itsura ko.
"Parang si (insert my ex's name) lang" bulong ni Liza saken.

Noon ko rin lang na-realize parang si ex nga. Hindi naman sila magkamuka pareho lang siguro silang singkit, matangkad at chubby. Attracted ako sa singkit at mas gusto ko rin yung medyo chubby, masarap kasing yakapin. Oo, hindi talaga ako mahilig sa abs.

Oh my gash nako-conscious na ko sa mga kilos ko kainis!

Lumabas na rin kami pagkatapos makuha ang soft copy ng photos. Whoah! Pati yung sasakyan nagta-transform. Ang Tamaraw FX kanina, ngaun KIA Sedona na.

Medyo nagulat lang ako pagbukas ng Sedona may babae na naka-upo sa tabi ng driver's seat. Napa-isip tuloy ako. Sino kaya to, girlfriend nya kaya? Pero sabi ni Albert single daw si Mikko. Nakatalikod, hindi ko makita ang muka.

"Ay guys, si Mommy nga pala."

Ah si mommy naman pala eh. Sinundo nya sa work. Binati namen si tita then gora na kami ulet sa bahay nila.

After namen magbanlaw at mag-dinner. Lumabas pa kami, ipapasyal nya daw kami sa city at konting inom na rin.

Ikot ikot hanggang napadpad kami sa Kyla's Bistro. Napansin lang namen na ang dami nyang kakilala. Bigla bigla na lang tatayo at may lalapitan. May times naman na sya na mismo nilalapitan. Sabi nga ni Albert pwede daw palang kumandidato si Mikko.

Did I already mentioned na panay ang panunukso nung mag-jowa saken? Nasa airport pa lang kami hindi na ko tinantanan. Ang lalakas pang mang-asar. Kaya siguro nila ako gustong gustong isama. Diskartehan ko na daw si Mikko at baka maunahan pa ko ni Sir Chief. Pansin kasi namen na "malambot" si Sir Chief. "Paminta" ang description ni Albert sa kanya. Hindi ko alam kung malisyoso lang ba talaga kami oh talagang type nya si Mikko.

So ako talaga ang didiskarte?! Sa ganda kong to, ako talaga? (walang kokontra blog ko to lols) Syempre hindi naman ako nagpapadala sa tukso nung dalawa. Conservative kaya ako at strict ang parents ko (charotera lang).


To be continued...



Friday, September 28, 2012

mahal...ang...bacon

Wala namang special na nangyari sa love life ko when I went to CdO. I think it's better to say wala naman talagang nangyari at "assuming" lang talaga ako. Gusto ko lang din i-kwento kasi nakaramdam ako ng konting kilig, take note "konti" lang. Kaya wag kayong mag-expect pang-PBB Teens lang to.

Before pa ako nai-booked for our Cagayan de Oro trip, sinabi na saken ni Albert na "ipapakilala" nya saken yung friend nya na taga-CdO. Single din daw yun. Sya talaga ang ipapakilala saken, hindi ba pwedeng ako ang ipakilala sa kanya?

Itago na lang muna naten sya sa pangalang Mahal ko este Mikko. Bilang sa bahay nila kami magi-stay sya rin ang sumundo samen sa airport. Hong tagal nya dumating, 8 years na wala pa rin. First meeting namen pinaghintay na agad ako hmp! Ayoko pa naman ng pinaghihintay ako.

Nagtext na daw si Mikko, parating na. Syempre mega re-touch naman ako, na-haggard na ng konti sa pag-iintay sa kanya ang beauty ko, ang init pa naman. We saw a starex van that parked outside the airport. Kaya lumabas na kami. Akala namen sya na yung nasa starex hindi pala. Sayang na-inlove na ko sa starex. Pero dumating na talaga sya nasa kabilang parking pala at Tamaraw FX ang sasakyan na dala nya. Sayang talaga yung starex charot!

Oh my gash! nawala excitement ko, iba ang itsura nya in person kesa sa picture nya na pinakita saken ni Albert nung nasa Manila pa kami. Ang cute nya dun sa picture eh. Anong nangyari at ang aga aga eh haggard na haggard ang itsura nya. Ano ba naman?!

Albert introduced him to us. Kwentuhan on the way sa house nila. Nagbago daw ang itinerary namen, mauuna na ang rafting. Gulat kami, we're not emotionally prepared. Pero wala na kaming magagawa kasi naka-booked na.

We travelled 20 minutes from the airport to their house. When we arrived, sa labas pa lang ng bahay naamoy na namen ang bacon. Yes, bacon nga! Yun ang business nya. They processed bacon and supplies it around CdO. Sa katunayan, along the way to their house may mga stop overs kami kasi may mga sinabay syang deliviries ng bacon sa mga patrons nya. Now I know why he looks haggard.

After eating our brunch, which is, of course bacon, gora na kami sa water rafting. On the way, naisip namen bumili ng merienda. Habang bumibili ng merienda si Albert at Sir Chief, he asked me

"bakit di mo kasama boyfriend mo?".

 Ano ba? Di ba talaga kapani-paniwala na wala akong bf? eh di ako na! Hmmmm talagang in-assume nya na may bf ako ah. Natameme ako ng konti parang nahiya akong sabihin na sa ganda kong to wala akong boyfriend (walang kokontra blog ko to! lols). To the rescue naman agad si Liza na nasa tabi ko pala hehe.

"Wala yang boyfriend, searching yan." 

Wala lang bf searching na agad agad?! Hindi ko alam kung anong naging reaction nya pero in-assume ko na lang din na natuwa sya dahil wala akong bf. Eh assuming din ako eh.



To be continued....

Thursday, September 27, 2012

Top 10 Favorite Shots- Pre-nup Edition

I always dream of being a professional photographer. A wedding photographer to be defined. Im just amazed about weddings and everything about it. I love to capture every single moment of the bride. That is why when my friend asked me to come on her pre-nup I agreed thrillingly.

The pre-nup took place in The Lakeshore, Mexico, Pampanga. We arrived late afternoon and its raining. For me, that was perfect for a pictorial. One of my dreams is to have my own pre-nup in the rain. But not for my friend cause she dreams the opposite. She said she wanted a sunset scene. I dont want her to be dismayed but with the dark sky and the rain, that scene was vague.

Luckily, the rain stopped but the sunset was still elusive. I told her to take it on a positive way besides pictorial must go on with or without the much anticipated sunset scene.

While the official photographers were doing their job, Im also taking my shot.

Here's my top 10 favorite shots of the pre-nup. Please forgive me for the low quality photos for I am using a low quality camera. I hope I can a buy my dream camera by the end of this year.

Share me your favorite among the 10.


10. Serene





























9. Complete




8. Fidelity

















7. Devotion


 

6. Delight 


 

5. Divine




 


4. Soulmate





 


3. Bliss



2. Tender


















1. Infinite



























Tuesday, September 25, 2012

frustrated and happy

Spell frustrated, that's ME!

Ano ba kasing nangyari na sa shit na LOI na yan hanggang ngayon wala pa ring result? Sabihin nyo na lang kung approve o hindi para hindi na kami umaasa, makapag-move on na at makahanap kami ng ibang location grrrrrrrrrr!

Dahil nga may mga aberya ang plano sa business na gusto ko naisipan kong humanap ng alternative extra income. Magpa-pasko na naman kasi ayoko ng ma-empty pocket. Pero pati yung alternative hindi rin pwede. Hay ka-frustrate talaga!

Oh syempre ayokong sumuko. May naisip pa rin ako na pwede kong gawin na sideline. Saka ko na sasabihin kung ano yun.

Nakikisabay pa ang lovelife, pinu-frustrate din ako. Sinabi na ngang hindi pwede ang kulit. Tigilan na, utang na loob! (Sinasabi ko yan sa sarili ko.)

So much for the frustration. Gusto ko masaya naman. Ang bilis magbago ng mood ko noh?

Another blogger's eyeball happened last Saturday.

I won kasi on Theo's mini contest sa blog nya na Theo's Casanova. So we were supposed to meet to claim my price pero sabi ni Theo gawin na rin nameng blogger's EB at isama ko daw yung mga na-meet ko last time and then I informed Joanne about it.

At ayun na nga nagkita kita kami sa Rob Galle. Ang masasabi ko lang, ang tahimik ni Theo pero may explanation naman sya kung baket on his blog. Asusual laughtrip na naman with Zai, Joanne, Empi, Hash at Theo. Ang saya lang na parang ang tagal ko na silang friend dahil napaka-wagas ng tawa ko kahit na second time ko pa lang sila nakasama. Pati yung pink shorts ko natuwa. Wala na naman akong picture kaya papapuntahin ko ulet kayo sa blog ni Zai.

Thanks again Theo, sana sa susunod ako ulet manalo haha selfish lang.

Syempre thanks din kay sis Joanne, Zai at Empi. Pasensya na kayo sa kaingayan ni Hash (love you sis). Looking forward for more gala with you guys.

And Im also looking forward to meet more bloggers. May mga nakalista na nga sa isip ko na gusto kong ma-meet eh. Sana ma-meet ko rin kayo sa ayaw at sa gusto nyo. Sapilitan ito!


Thursday, September 20, 2012

White Water Rafting- Cagayan de Oro

From starting point...

Syempre hindi kami nagpatalo sa kaba at takot. Matapang kaya kami. Pagkatapos ng takutan este instructions pala at konting practice practice, I think we're good to go!


Goodluck naman samen, 21 major rapids in 3 hours. Simulan na yan!
picture picture muna ulet pantanggal kaba

First rapid that we went through was named "Captain, Oh Captain!". May mga pangalan ang bawat rapids na madadaanan. Kasi daw kung sakali na may mangyaring accident madali nila malalaman where exactly sa part ng river nangyari. So there.
Captain, Oh Captain!

Bakit "Captain, Oh Captain" ang ipinangalan nila dyan? Find out yourself. *wink*

Eto ang naging favorite ko sa 21 major rapids na nadaanan namen. Iba talaga kasi ang sarap ng una (oh wag green minded). Habang papalapit na kami sa rapids sobra sobra ang kaba ko at iniisip ko na kung makakaligtas ba kami. But the moment the raft dance with the rapids, shet ang sarap! Mas masarap pa kesa sa pagsakay sa roller coaster oh sa wheel of fate ng enchanted kingdom haha ang babaw ko lang. Promise ang sarap talaga ng feeling at sobrang saya (eh di ako na parang bata).



high five!

May mga classes pala ang rapids at yung sa Advance Course, class 2-3 lang ang meron. Mukang kering keri lang sa picture, pero pag andun ka mismo malalaman mo na hindi sya biro. Wala pa naman daw namamatay dito pero marami nababalian.

"Yuko!" sabi ni kuya pero hindi kakayanin, tatama kami sa bato kaya ayun nagdive ako sa loob ng raft.
effortless si sir chief

May nadaanan kaming rapid na ni-require ni kuya Kumar na tumayo kaming lahat. Sobrang kabado ako baka ito ang hinihintay ko na pagtilapon ko sa tubig mula sa raft. At kahit nakatayo kelangan pa ring mag-paddle. Oh my gash eto na!


And guess what? Im the only one who endured standing (bukod sa dalawang river guides). Nung una lahat kami nakatayo pero habang papalakas at papalaki ang rapids napa-upo na sila. Sobrang saya ng part na to and Im so proud of myself haha (eh di ako na talaga).
I remained standing yeah!
May part na mahaba ang calm water kaya sinamantala namen at kumain. Hulaan nyo kung ano ang baon namen. Ano pa eh di Jabee!
breaktime

dapat bayaran kami ng Jollibee dito :P
May parts din ng river na pwedeng mag-swimming (at umihi). Nakaka-relax din mag-sightseeing.
ligo ligo din sa falls



nakuha ko pang mag-pose habang umiihi hehe


hindi naman halatang ang saya saya ko dyan
Sa "jump brother" part muntik tumaob ang aming raft. Walang picture, pero may video. Balete run, L run, S run ang ilan sa mga natatandaan ko pang name ng rapids.

Habang tumatagal nagiging sisiw na lang ang mga rapids pero all the way syang masaya at non-stop ang "surprises".

If I remembered well what kuya Kumar told us, at the endpoint there's a mini restaurant where you can eat lunch and which also offers  room where you can change out your wet clothes but unfortunately Sendong washed it out.

The jeep that took us at the starting point was already waiting for us when we arrived at the endpoint.

Sa bahay na lang kami nila Mikko nagbanlaw.

Babalik balikan ko ito sa CdO. Pero sa susunod sa mas mataas na rapid class na. At sa susunod magsusuot na ko ng tamang outfit, magdadala ng sunblock at magdadala ng sarili kong camera.


Panoorin nyo yung video para makita nyo kung gano kalupet ang Cagayan de Oro River.

Monday, September 17, 2012

starting point

Our first day was supposed to be spend in Bukidnon. Pero sabi ni Mikko mauuna na yung rafting. Oh my gosh we're not emotionally prepared. Nasa pinyahan na ang utak ko eh tapos biglang, what? rafting? first day?

Anyway, it was already booked and nahiya na rin naman kami na ipabago pa so gow na!

But before that, we headed first to Mikko's house to eat, leave our things and change outfit. 
Then he drop us off in the rafting company's pick up office. He didnt come cause he has some business matters to attend to. Susunduin nya na lang daw kami after the rafting.

Bugsay River Rafting was the rafting company who hosted us. You can check out their site for more infos and rates. We availed the Advance Course package worth 1,000 pesos. It includes a 3-4 hours actual river run. A 16 km river stretch with 21 major rapids. Goodluck to us!


We also availed the "documentation" for 1,000 pesos. It's kinda expensive but come to think of it, your rafting experience wouldnt be as memorable if not documented by photos and videos. We were accompanied by three guides. Two will be with us on the raft and one will be the photographer/videographer.


ang mga astiging river guides
How would you like to have a river guide like them? The third (kuya Onix) and fourth (kuya Kumar) guys from left (picture above) ang mga naging river guides namen. Wala dyan sa picture yung isa eh. From their office hinatid kami ng jeep sa starting point ng Advance Course. It took us 45 minutes to get there.


ang sinakyan nameng jeep



picture picture! Sir Chief san ka nakatingin?

We got the wrong outfit! Feeling kasi namen magsu-swimming kami sa ilog. Buti na lang may mga nagtitindang leggings and arm covers sa drop off. Natawaran namen ng 120 pesos ang leggings and arm cover.


kumusta naman ang outfit namen?
pose muna pantanggal ng kaba

Di naman talaga ako natatakot eh pero nung nagbigay na ng instructions si kuya Kumar bigla akong kinabahan. Pati yung mga kasama ko, halata sa muka nila ang kaba. Tapos bigla pa nagsalita si Sir Chief ng "pwede bang maiwan na lang ako? hintayin ko na lang kayo, kakain na lang ako" lalo tuloy akong kinabahan. Nakaka-kaba naman kasi ang mga instructions at nakakatakot ang mga example scenario ni kuya.


kuya Kumar giving us instructions

seryoso kami
Ano nga bang nangyari? Nagpadala ba kami sa kaba at di na tumuloy? Kumain na nga lang ba si Sir Chief? 

River rafting was included on my bucketlist=> My Simple Dreams. May matutupad na nga kaya ako sa listahan ko?

Abangan...

Sunday, September 16, 2012

kasama na ko?

Ayoko ng umasa. I've already set my mind na hindi na ko makakasama.

Until second week of August came. Liza called me saying she has a bad and good news. Wala na daw talagang mura na airfare 5,000 pesos above na lahat. The good news for me? Hindi na daw makakasama yung isa nyang friend sa CdO trip kasi buntis pala. They said first quarter of pregnancy is critical and activities in CdO were somewhat extreme. So, yung ticket ng friend ni Liza pinare-book nila at pinalitan ng name ko.

Yey! kasama na ko. Ang saya ko na diba? Na-excite na ko ng konti. Akalain ko bang makakasama pa ko eh almost two weeks na lang. Plus the ticket that Im going to pay was still the promo price that was originally paid by Liza's friend. Yahoong yahoo! But wait there's still more.

Six kaming naka-book pero habang papalapit, nababawasan. Yung isang couple hindi na makakasama kasi naaksidente yung girl. Syempre couple nga eh, pag hindi kasama ang isa hindi na rin sasama yung isa pa. We're down to five, pero nabawasan pa kasi nagka-conflict naman sa work yung isa. Promotion ang nakasalalay kaya give up muna ang leisure. I thought they're going to cancel the trip because of the not-so-good things that is happening which leaves only the three of us to travel. No news from the couple until a day before our flight. Kita kits na lang daw sa airport. Finally, tuloy na talaga.

September 6, thursday, medyo nagulat ako kasi akala ko 3 na lang kami may isa pa palang kasama. Hindi nabanggit saken ni Liza. Let's just call him Sir Chief. He is a client in the bank where Liza was working. 40 years old, virgin businessman. (Joanne and Zai, uunahan ko na kayo, hindi sya yung lovelife na sinasabi ko hehe.) Nakasama na rin namen sya one time sa Batangas, nung nag-swimming kami sa farm (na may swimming pool) ng isa pang kabarkada rin ni Albert.

Aninagin nyo na lang si Sir Chief jan.

panira yung poste


Past 9am na when we arrived in CdO. Hindi muna kami lumabas sa airport kasi wala pa si Mikko, yung sundo namen na barkada ni Albert. Pero after 8 years dumating naman sya.

Our first day was supposed to be spend in Bukidnon. Pero sabi ni Mikko mauuna na yung rafting. Oh my gosh we're not emotionally prepared. Nasa pinyahan na ang utak ko eh tapos biglang, what? rafting? first day?

Abangan...
.

Friday, September 14, 2012

torn between business and leisure

When we were still in Bohol, Albert told me that he has a friend in Cagayan de Oro who's inviting him to visit the place. By the way, Albert is Liza's beau and the latter was my friend from the bank where I worked before. Hindi pa man kami nakakauwi eh nagbabalak na namang gumala itong mag-jowa na to. He said we must go there by August, and I hesitantly agreed. Yes, I was hesitant because Im thinking of saving money for another business that I wanted to start up. And besides naka- quota na ko sa travel for this year. I told myself kasi na two destinations a year lang ako kung hindi, mamumulubi ako for sure. 

A couple of months after our Bohol trip, Liza texted me saying that they're gonna book a flight to Cagayan de Oro and if I wanted to come. I really wanted to go but Im torn between business and leisure. Then I decided to choose the first. Medyo on process na kasi yung bagong business hinihintay na lang namen ang result ng LOI.

Pero makulit talaga itong mag-jowa na to! Albert even tagged me on a group message about the flight details and itineraries. Yes, they were already booked but the originally planned August became September. Sobrang nang-iingit at nanunukso. But Im certain not to come. Sabi ko sa sarili ko andyan lang naman ang Cagayan de Oro pag kumita na ko sa business mapupuntahan ko rin yan.

Tuloy pa rin ang pag-convince saken ng magjowa na sumama na. Mukang wala talaga silang balak na tigilan ako hanggat hindi ako sumasama. Pwede pa daw ako humabol at magpabook na ng ticket. Hanggang sa napapayag na nga nila ako. How did they convinced me?

Free accommodation! Dun na daw kami magi-stay sa bahay ng barkada nya sa CdO. Pati transpo sagot na din ni barkada. Naisip ko malaking tipid na yun. 3,000 pesos na budget buhay na ko sa 3 days and 2 nights sa CdO. Nagkataon din naman na something happened that we need to postponed and adjust the timeline for starting the new business. Ayos, makakapagipon pa ko. But wait there's more.

Sabi ko kay Albert i-book na nya ko but he told me na wala na syang makuhang promo. Mid of July na, September 6 ang flight so malamang lamang na wala na talagang makukuhang promo. Hindi na pasok sa budget ko ang five thousand pesos na airfare. I felt sad, kung kelan naman na pwede na ko sumama saka naman wala ng makukuhang murang airfare sa mga panahon na yan. Pero hindi pa rin ako tinatantanan ni Albert, sabi nya hahanapan pa rin nya ko baka daw next month (August) may makukuha pa kaming murang fare. Ayoko ng umasa, I've already set my mind na hindi na ako makakasama. Until...

Bibitinin ko muna ang post na to kasi medyo mahaba na. Abangan ang twist kung pano ako nakasama. Marami pang pangyayari ang naganap bago ako natuloy. Sorry naman, detailed talaga ang kwento ko. Pagbigyan nyo na po ako blog-slash-diary ko naman to. *wink*

ang sobrang makulit na couple: Liza and Albert

Tuesday, September 11, 2012

pagkatapos ng bakasyon

Musta mga friends? Ako, eto hindi alam kung busy ba talaga ako o tamad tamaran lang at may hang-over pa ng bakasyon. What do you think? Ang totoo, kelangan talaga magpaka-busy baka magpull-out na ang mga investors ko, napapabayaan ko na ang kumpanya dahil sa kakagala ko, haha echos lang. Syempre kahit haggardo versoza na ko pagdating (nakakapagod kasi magbakasyon hehe) inuna ko muna ang pinagkukunan ng pang-pondo sa mga gala ko. Sa tingin ko naman mejo nakakabawi na ko kaya eto singit muna ng post.

Pagdating ko galing vacation, kinabukasan may "ganap". Sunday morning was intended for my second niece's Christening and afternoon was for my friend's wedding.

Dahil madami akong pagod, mejo na-late na ko ng gising. Sa Cavite pa ang binyag akala ko male-late ako buti na lang Sunday, walang traffic. Sakto lang dating ko magsisimula pa lang ang binyag.


Si pamangkin walang pakialam sa mundo. Before, during and after ng binyag tulog lang sya. Para bang puyat na puyat at kahit na pinagpasa-pasahan na sya sa picture taking, keber! "Basta matutulog ako, bahala kayo jan".


Ninong si 3rd brother at si bunso. Kaya lang may activity sa university si bunso kaya hindi nakapunta. Mukang ayaw na sundan pa kasi dalawang kapatid na ginawang ninong. Wala ng natira kung masusundan pa pero sabagay marami namang pinsan hehe.

Syempre, hindi mawawala sa eksena si ate Shanen.

Althea (tulog na tulog pa rin at nakanganga pa) and ate Shanen



Around 2:30pm I had to leave for the next occasion. My friend from the company where I worked before is getting married. It was a very short notice. I was still in Cagayan de Oro when her groom called to invite me on their wedding.

Pinky and Pipoy
It was a civil wedding presided by a judge. Pinky was I think 6 years older than Pipoy. She met him in the bank where she was a teller and he was a regular depositor. Nung una, nag-aalangan si Pinky kasi nga too young daw. Pero sa love, age really doesnt matter. Nakakatawa, kasi nung nanliligaw na si Pipoy madalas syang tinataguan ni Pinky. Mas nakakatawa nung hinatid sya sa bahay niligaw nya si Pipoy but in the end ayan happily married na sila and by the way she is now five months preggy.


Ang haggard ko na sa picture na yan haha. Kainis, no time to change outfit and re-touch. They were my closest friends in my last branch of assignment sa dating company where I worked. At dahil mejo matagal  na rin kaming hindi nagkikita we decided to have coffee and kwentuhan muna after the wedding.

Ninang Mape, Ninang Wilma and friendship Loren

with my ninangs


Both Ninangs were my supervisor when I was still in the bank. Ninang tawag ko sa kanila kasi sabi ko kukunin ko sila ninang kapag kinasal ako. May mga ninang na ko sa kasal ko groom na lang ang kulang. May gown na rin pala ako courtesy of sis Nahnah and sis Ash. Oh ayan groom-to-be konti na lang ang gagastusin mo. Asan ka na ba kasi? Hanggang ngayon ba naman naliligaw ka pa rin?

Speaking of groom-to-be, nagkaroon ako ng lovelife while I was in Cagayan de Oro. Kaya lang what happens in CDO stays in CDO na lang din hehe. Pano nangyari? kwento ko sa mga susunod na araw. Medyo extreme ang vacation ko pero sobrang fun and exciting lalo na ang rafting. More kwento in the coming days.


Monday, September 3, 2012

after those busy days

Hello Philippines and hello world! Toni G. on PBB lang ang peg. Busy busy-han ako this past few days medyo maraming inaasikaso sa negosyo tapos month end pa at swelday kaya ayun panggap na naman ako. Buti na lang after busy days merong "ganap" na pangbalanse at iyon ang bet kong ikwento.

Ang ganap ngaung first day of September ay ang birthday blowout ng isang ka-tropa na si Kiko, hubby ni bff Nahnah of Hash Coffee Table Book. Kahit nasa ibang continent sya dapat may celebration pa rin kami, required yun, ganyan kami magmahalan sa tropa. 

Nauna kami nagkita nina Ash and Nahnah. Sinamahan muna kasi namen si Ash sa first fitting ng wedding gown nya. After the fitting gora na kami sa Trinoma at ayun sa Kamay Kainan kami dinala ng aming mga gutom na sikmura.


Kamay Kainan was a buffet restaurant serving Filipino foods. Yung tipong parang nasa fiestahan ka lang or sa handaan sa bahay, pwede ring sa carenderia lang ang peg. Sa halagang 289.16 pesos, lafang-all-you-can na!

Gutom na ko pero mukang matatagalan pa dumating yung ibang ka-tropa plus kahit saan ako tumingin pagkain lang ang nakikita ko kaya we decided to have an appetizer muna habang naghihintay sa iba.

Ito ang desserts nila pero ginawa nameng appetizer.

Pero, dahil nga nagwawala na ang tummy ko, ito ang ginawa kong appetizer. Sa pancit at longganisa lang ako nasarapan, medyo matabang yung ginataang langka. Pero naubos ko rin syempre, walang choosy choosy sa gutom na tummy.

After 2 years, dumating na yung dalawa pero mukang after another 2 years pa dadating yung dalawa pa kaya nauna na kami kumain.

Rihelle, Ernie, Ashell, Me and Nah

this is my main course plate.. remember, appetizer lang yung nauna :P
In fairness, masarap lahat yung nakuha ko this time, binalikan ko talaga yung pancit at longganisa. This is not my first time sa Kamay Kainan, pagdating sa Filipino food buffet resto the best na sila for me, kesa naman dun sa nakainan kong Filipino food buffet din last week walang kalatuy latoy ang food. Pero alam nyo ba kung ano talaga ang pinipilahan sa Kamay Kainan?

this is my favorite! cheese and mango flavor sarap...
The best ice cream I ever tasted. O.A. na kung O.A. but for me eto talaga ang pinakamasarap na ice cream na natikman ko. Mas masarap pa kesa sa magnum. Pagdating pa lang namen napansin ko na agad na box office ang ice cream na to. Nalungkot ako nung first time na natikman ko to as in tikim lang talaga, hindi ko nai-todo kasi ubos na sya at wala ng pang-refill kaya this time I made sure na hindi ako mauubusan thats why naka-2 bowls ako.

Busog na kami lahat nung dumating yung dalawa pa kaya habang lumalafang sila nakabantay na lang kami. Pinalipat din pala kami ng table kasi almost 3pm na, nagsasara na sila ng ibang section ng resto.
That guy in white is Dave, our new adopted tropa, he's with Arnold  (across him).


Saktong 3pm sila natapos kumain at habang papalabas na kami ng resto, this thing caught my attention. A two-sided electric fan. First time kong makakita nito kaya ayan I took a photo at naaliw din talaga akong tingnan sya, parang bata lang na nakakita ng toy.













We headed to Centerstage Timog after ng lafang. Medyo matagal tagal na rin ang huling concert namen at namiss ko na ring kumanta. Something wrong? No there isnt, talagang past 3pm pa lang magko-concert na kami. Bakit? Kasi may kasama kaming nanay na, we have to adjust din naman paminsan minsan.


Madalas na kami sa Centerstage Timog, hindi ko na mabilang kung ilang beses. Aside from out-of-town trips and travels, singing is our tropa's ultimate bonding. Yung tipong magrerent ng videoke machine tapos kakanta hanggang madaling araw kahit na feeling namen eh tatawag na ng barangay ang mga kapitbahay gow pa rin. Lahat kami mahihilig kumanta kahit na parang tumutula lang, umiiyak, umuungol o sumisigaw ang kinalalabasan ng kanta hindi pa rin papaawat. One of my frustration is to be a famous singer. Sobrang hilig ko talagang kumanta kahit na wala namang kahilig hilig saken ang kanta. Natatanggal ang stress ko kapag kumakanta ako eh. And good thing is lahat naman kami hindi kagandahan ang boses kaya hindi ako nahihiya sa kanila bwahaha!


After 3 hours ng kantahan, sayawan, tawanan at kulitan, we decided to end the night at as early as 7pm. Kumbaga sa iba nagsisimula pa lang, kami tapos na. I remember one of the staff asked us "what time po kayo dumating?", "past 3(pm)" we answered, "ah kaya pala, mga family oriented" and we all laughed.

Happy Birthday Kiks! Sana napasaya ka namen sa birthday mo kahit na malayo ka. Thank you sa blow out. We missed you so much. Lapit na December yehey dont forget my pasalubong ok na saken ang Samsung Galaxy S3 kakahiyan naman kung i-phone pa eh. We love you!

P.S.
September na mga blogger friends! Start na ng ber months at dahil dyan gusto ko kayong batiin ng "Merry Christmas!". Ako ang unang bumati sa inyo noh? At dahil dyan, dont forget my gift sa Pasko ah. *wink*
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...