Wednesday, August 21, 2013

I miss blogging and blogger friends

OMG! It feels like a thousand years na since huli ako nag-post. I can say I miss blogging. I miss the bloggers. I miss the kulitan with you guys. But I think some things really change. Actually, all things change. Sabi nga ng isang quote na nabasa ko, "the only constant thing is change". Naging busy na rin siguro kayo katulad ko. Ahmmm actually noon naman kahit busy ako nakakapag-post pa rin ako. Ang sipag ko nga mag-post noon eh. Sipag like every other day ganyan. Pero now, once a month na lang minsan nga wala pa. Parang gusto ko na tuloy maniwala doon sa nabasa ko rin sa isang blog post na mas inspired mag-sulat or mag-blog ang single. Ay ewan! Basta miss ko kayo guys. Yung iba jan hindi narin nagpo-post, like sis Joanne, yeah sis I really miss reading your stories.

Hindi na rin ako sinisipag mag-basa ng post. Yung iba naman binabasa ko pero hindi ako sinipag mag-comment. Yung iba nagko-comment pa rin naman ako pag may time ganyan.

Siguro mas madalas na lang ako manood ng movie ngayon. I think kasalanan ni boyfriend kaya hindi na ko masyadong nakakapagblog at nakakapagbasa ng blog ngayon. I know what you're thinking pero hindi yun yun. Tinuruan nya kasi ako magdowload ng mga movies from net, yeah I know Im a loser i dont know how then. Masyado kasing complicated minsan ang mag-DL eh, ayoko pa naman ng complicated. So pag may gusto akong i-DL na movie pero complicated much ang process sa kanya ko pa rin pinapa-DL.

Meron pala akong problema ngayon. Nagloko na naman yung bookkeeper na ni-hire ko para mag-file at magbayad ng mga kelangang bayaran monthly sa BIR. Yes, na naman! Yung una hindi binabayad sa BIR yung sinisingil na pera samen at bigla na lang sya nawala. I know nothing about that stuff. I want to learn but its complicated and you see I really hate complicated things. Kaya nga siguro ginawan ng paraan ni Lord na hindi accounting ang naging course ko eh.

Ang nakakatawa ang hirap ng paraan para makapagbayad ng tax para lang walang maging problema ang negosyo pero napakadali lang mawala ng tax na binabayad naten. Nakakawalang gana magbayad ng tax kapag nalalaman mo kung saan lang napupunta.

Anyway, so ayun kelangan ko na namang maghanap ng bagong magaasikaso or worst I have to learn the process.

This is it for now, may panonoorin muna akong movie entitled "Inglorious Basterds". Another Quentin Tarantino, he really earned my admiration when I watched Django Unchained.

I really miss you all, mwah!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...